Tuesday, April 15, 2008

" Its not a matter of graduating on time, its a matter of graduating when its time!"

After 4 years, they are graduating!

Yeah!! Sila ay gagrdauate na.. eh ako?

ako?

4th year pa rin naman ako ah kaya lang hindi ko kasabay magmamartsa ang aking batchmates kung hindi ang aking mga kaedad (sana!).

Sa tuwing akoy tinatanong ng mga tao kung ako bay gagraduate na? sasabihin ko na lang,

"OO! gagraduate na ako.. next year!"

Pagkatapos sa tanong na ito, may mga kasunod pang mga tanong na kung minsan napapagod na akong ulitin pang sagutin. Nariyan ang mga tanong na gaya nito,

"Bakit?"

"Anu pa ba kulang mo?"

"isang sem na lang?"

"Summer grad ka?"

at ang pinakamasakit sa lahat

"Bakit ka nagloloko?!"

Dahil paulit ulit na lang , nakakapagod na ring sagutin.
Pasalamat na lang ako't naiintindihan ako na aking mga magulang. Di naman ako masyadong napepressure sa kanila di gaya dito (sa paaralan), pressured na pressured ka!

Sa isang banda, di rin naman ako masyadong nagmamadali dahil sa mga kadahilanang,

-akoy bata pa! (dont take it literally! hehe)
-di ko alam anung gagawin after grad.
-sa tingin koi kulang pa ang aking nalalaman at kailangan ko pa itong dagdagan.

Siguro eto na rin ang parran ng dyos upang masagot ang aking mga katanungan.

At bago ko tatapusin ito, nais kung ibahagi ang isang "motto" ng mga nagooverstay,

 " Its not a matter of graduating on time, its a matter of graduating when its time!"


Wednesday, April 9, 2008

Pagkatapos na ilang dekadang paghihintay, LIT 1 grade lumabas na!

 For the much awaited grade of the century, finally here it is.

Pila grade nio? is it worth the wait?

hehe


2nd hand smoker!

No smoking!!!!

Ito ang nakalagay na sign sa lahat ng dorms dito sa school. Bago ka papasok sa loob, mkikita muna ang karatulang ito. Ito'y nakalagay sa isang puting plywood at nakaguhit dito ang ang sigarilyo na may bilog at may guhit sa gitna. Sa taas nito ay may nakalagay na malalaking salita "NO SMOKING!" Meron din mga posters na nkadikit sa dingding. Isa na dito ang poster na mey isang mamang naninigarilyo at may dala dalang bata. Wala lang.

 

Ang kwentong ito ay may koneksyon sa nauna ko nang naisulat. Pagakatapos kung kumain ng araw na iyon, ako ay nagmadaling naligo at nagbihis upang pumunta ng infirmary. Kasama ko ang aking mga dormates upang magpa PE. Nang kamiy ay dumating, kinuha ang aming mga permits at id. Bad trip, di ko dala ang aking ID pro sabi ni manong guard, isulat ko na lang raw sa likod ang aking pangalan sa isang papel. At iyon nga ang ginawa ko. Kinuha namin ang aming mga timbang at height. Di na ako nabigla sa weight ko, consistent naman ako eh kahit nung first year pa ang height lang ang may pagbabago.

 

Kami ay pumila na para magpadental exam,, buti na lang at nakapagtoothbrush ako kung hindi magaamoy asim ang aking hininga. Ala namang nasabi ang dentista, ilang silip lang sa aking bunganga tapos na. Pagkatapos pumila kami ulit upang kunan ng BP, pulse rate, Vison??.. Buti na lang ang daling imemorize ng ng mga letters para sa vison test kaya ok na kaagad. Pagkatapos dun ay ang pagkuha ng BP. Dito tinanong ako ng babae, sabi nya "Naninigarilyo ka ba?" "hindi po" sagot ko. "OWS?!!!" sabi nya, akoy natawa.. sabi ko ""ummm.. minsan po" "ilang sticks?" tanong ng babae "mga 1-2 sticks lang po" "kada araw?" "hindi po! sa isang buwan po hehe" "ok lang naman yan kasi gagraduate ka na!" sabi ng babae . Kung alam nya lang sana na SMOKER talaga ako. SMOKER as in 2nd hand smoker! hahaha Kung alam nya lang sana na araw araw akong nasusufocate sa room paggising ko pa lang. Maiintindihan nya sana.

 

Pagkatapos nun pinapunta na kami sa doktor, ilang inhale,, exhale lang tpos na.. sinabihan pa ako ng doktor " istop mo na yang pagsusmoke ha, habang bata ka pa" "opo dok" sabi ko naman.

At umuwi ako sa dorm na may bahid ng dumi ang aking medical records.

Sunday, April 6, 2008

Pilipino nga tayo

Akoy medyo ngarag pa dahil  kulang sa tulog.

Noong isang gabi lang, ang saya saya namin.. mey cossack sa tabi tsaka ilang sticks ng pula.

Ang saya namin lalo na mga kasamam kong di ata nakukumpleto ang aRaw pag alang nalalaklak.

Napagusapan namin ang mga buhay buhay dito sa unibersidad at mga kwentong kanto na parati mong maririnig pag kayoy nagsisiyahan.

Mga kwentong babae, kwentong aswang, kwentong guro at lahat lahat ng pwedeng pag usapan.

mga alas 2 na ng umaga kami natapos,, medyo bitin kasi ang cossack na dala ng akking kaibigan ay ngiisa lang.. halatang di sanay sa ganitong mga kasiyahan.

Ng akoy mgtotoothbrush na.. nakita ko ang hapon.. ngtotoothbrush din at kami ay ngkaroon ng konting paguusap;

ako: Yo're goin home?
k: no, no, no, were going to aklan tomowow..
ako:ah..
k:were leaving at 6:00 AM so il be early..
ako: okie,, so youll transfer to ..(dorm)
k: yes, yes, il be bringing my things there before we will go..
ako: ah.. ok.. good night!! good morning i mean (laughs)
k: good morning too!! .. halong (smiles)

at akoy natulog sa aking higaan kasama ang mga patong patong na mga damit.

Kinabukasan, akoy gutom na gutom,, akoy nagmadaling bumangon at paglabas ko nakita ko ang hapon, at nghihintay sa kanyang mga kasama,, posturang postura.. nghihinaty sa mga kakagising pa atang mga kasama,,

akoy pumunta sa ming kinakainan sapagkat akoy gutom na gutom na!!

ang tagal ng babae,, mabubutas na ata tong aking tyan sa kahihintay..

habang akoy naghihinaty.. nakita ko ang hapon dala dala ang ilang mga gamit..nagmamadali..

ilang minuto pa ang nakaraan syay tumatakbong papunta sa akin kung saan ako pumipila..

tamang tama naman at akoy bibigyan  na ng isang cup na rice,, sabi ko sa babae,, unahin mo na lang siya (ang hapon).. at kami ngusap;

k: were supposed to leave at 6, but (dorm) is still closed. Too bad.
ako: you wont expect 6 to be 6 here.. it might be 7 or 8 (and smiles..)
k:yah.. Filipino time..

nang narinig ko ang mga katagang iyon, akoy nahiya..
di ko alam kung bakit? pero ang alam ko ito ay isang patunay na itong ugaling ito ay napapansin ng ibang tao,,

pagkatapos,, pumili sya ng kanyang ulam at naupo..

ako namay naupo sa mga bakanteng mesa sa kabila,, nagiisip..

Saturday, April 5, 2008

Greenpeace _ Sarkozy's latest marriage will wreck the climate

ACTION ALERT
Cars petition
Click to sign the petition
Europe: Don't let Sarkozy and Merkel drive roughshod over climate protection law.
1. Sign the petition

Dear friends,

This is really important, can you please take two minutes to sign our cars petition and send this email to your network of friends?

The heads of France and Germany are about to conclude a bilateral deal, which threatens to water down (already weak!) European legislation tackling CO2 emissions from cars. We've made a petition for the European Council's current President, demanding that he and other heads of state stand up for the climate.

CLICK HERE TO SIGN THE PETITION NOW.

We'll deliver the petition to the President of the European Council on Monday, and every day next week.

The German government is driving this--putting the immediate commercial interests of German luxury car-makers before the safety of the planet. Sarkozy is riding along with Merkel because he needs Germany's support for his grand plans for a Mediterranean Union.

Two wheels better than four,
Mel, Martin, Richard, Eoin and the car campaign team

P.S. Please remember to forward this email to friends. Together we can stop this! Feel free to repost this message on your blog or profile page too.




To no longer receive these messages, please send a blank email to: unsub-bhhhrhhmumzmce@email.greenpeace.org
OR Send a postal mail to: Ottho Heldringstraat 5, 1066 AZ Amsterdam, The Netherlands

Ken Lee (Can't live!) very very nice!!!




Bulgarian music idol.. audition!!! Valentina Hasan (Hasan's english version of the song without you by Mariah C.)